-- Advertisements --
Nagkaroon ng awayan ang pamilya ng namayapang singer na si George Michael dahil sa nakatakdang pagbebenta sa auctions ng kaniyang mga gamit.
Kabilang na dito ang gitara na ginamit ng singer-songwriter sa sikat nitong kanta na “Faith”.
Ang nasabing gitara ay mula kay Siobhan Bailey ang matagal na personal assistant ni Michael.
Pumanaw si Siobhan noong 2014 at ito ay ibinenta ng knaiyang asawang si Ian Belcher.
Isa lamang ito sa 32 na mga gamit na nakatakdang ibenta sa auctions.
Pumanaw ang singer noong 2016 kung saan kabilang ito sa bandang Wham na pinsikat ang mga kanta gaya ng “Careless Whispher”, “Father Figure” at maraming iba pa.













