-- Advertisements --

Pumanaw na ang dating kasama sa banda ni Billy Joel na si Jon Small.

Kinumpirma ng singer ang pagpanaw ng kaniyang longtime collaborator at matalik na kaibigan sa pamamagitan ng pagpost ng larawan nilang dalawa sa kaniyang social media.

Hindi naman na nagbigay pa ng ibang detalye ang singer kung ano ang sanhi ng kamatayan ni Small.

Mula pa noong 1960 ay naging magkasama ang dalawa sa bandang “The Hassle” bago bumuo ng hard-rock duo na Attila kung saan keyboards at vocals si Billy habang drums naman si Jon.

Nagkaroon ng relasyon si Billy sa asawa ni Jon na si Elizabeth Weber na pinakasalan ni Billy noong nag-divorce na sila ni Jon.

Matapos ang alitan ay nagkaayos din ang dalawa kung saan magkasama sila sa paggawa sa mga projects gaya ng mga iba’t-ibang konsiyerto.