-- Advertisements --

Ibinunyag ng singer na si Regine Velasquez ang plano nitong pagsasagawa ng huling konsiyerto bago tuluyang magretiro.

Sinabi nito na kaniyang isinasapinal muna ang petsa at lugar kung saan gaganapin ang nasabing konsiyerto at ito ay kaniyang magiging solo show.

Dagdag pa nito na bahagi ito ng kaniyang pagdiriwang ng ika-40 taon niya sa entertainment industry.

Paglilinaw nito na mayroon pa itong mga nakatakdang mga proyekto sa susunod na taon subalit hindi na nito binanggit ang mga ito.

Aminado ito na habang nagkaka-edad na ay nagbabago na ang kaniyang boses.