Inihayag ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center na kanilang tinutukan ngayon ang panibagong modus o paraan ng mga hackers upang makapambiktima.
Ayon kay Usec. Renato ‘Aboy’ Paraiso, Acting Executive Director ng naturang ahensya, bago matapos ang taon, kanila aniyang binabantayan ang pagpasok sa bansa ng mga ibinebentang ‘malicous cables’.
Kanyang ibinahagi na ang kable na ito’y mukhang ordinaryong charging cable lamang ngunit paraan na pala ng mga hackers para mapasukan ng virus ang isang device.
Kung kaya’t nakamonitor aniya sila sa mga ganitong uri ng kable upang mahuli ang mga nasa likod at nagpapakalat ng virus para makontrol ang cellphone ng mabibiktima.
Habang dagdag pa niya’y binabantayan rin ng ahensya maging ang tinatawag na Radio Frequency Identification o RFID devices.
Sistema naman rito ay hindi na kailangan pang makuha ang smartphone kundi didikitan lamang at mananakawan na ng pera mula sa e-wallets ng biktima.













