Nananatili pa rin sa Pilipinas ang umano’y utak sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick-joo.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) spokesperson Dana Sandoval, nasa bansa pa rin ang dating pulis na si P/Supt. Rafael Dumlao III at huli aniya itong bumiyahe noon pang 2024.
Kasalukuyan din aniyang may umiiral na hold departure order (HDO) at immigration lookout bulletin order (ILBO) laban kay Dumlao.
Bagamat hindi pinagbabawalan ng ILBO ang isang indibidwal na bumiyahe sa labas ng bansa, sa bisa ng inisyu ng korte na HDO, maaaring mapigilan ang suspek o indibidwal na lumabas ng bansa kung ito ay nahaharap sa criminal charges.
Inihayag ni Sandoval na agad nilang ipaparating sa mga kinauukulang awtoridad sakaling mamataan si Dumlao sa alinmang pwerto o daungan na minamanduhan ng BI.