-- Advertisements --

Inanunsyo ng Bureau of Immigration na kanilang naaresto ang Russian vlogger na nanakot online magpapakalat ng HIV sa Pilipinas.

Ayon sa kawanihan, ito’y naaresto ng mga operatiba ng Immigration Fugitive Search Unit matapos kumalat ang video online.

Kinilala ang naturang dayuhan vlogger na si Nikita Chekhov natagpuan sa loob ng isang condominium building sa Quezon City.

Batay sa impormasyon, dumating si Chekhov noong ika-15 ng Enero at matapos lamang ang kanyang pagdating ay nag-video ito sa  commercial district ng nabanggit na lungsod.

Mapapanood sa video na kanyang inupload online ang anila’y nakakaalarmang mga pahayag at intensyon magpakalat ng HIV habang nasa Pilipinas.

Bagama’t itinuturing lamang ito bilang ‘rage-bait’, ayon kay Immigration Comm. Joel Anthony Viado, papanagutin pa rin ang mga dayuhan abusado at walang respeto nananatili sa bansa.

Nahaharap naman sa ‘deportation’ ang naarestong vlogger at kasalukuyang inilagay pansamantala sa detention facility ng Bureau of Immigration.