-- Advertisements --

Malakas na pag-ulan ang aasahan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa dahil sa low pressure area (LPA) at hanging habagat.

Ayon kay Pagasa forecaster Chris Perez, huling namataan ang LPA sa layong 440 km sa silangan hilagang silangan ng Casiguran, Aurora.

Base sa satellite data, nakikitaan ito ng mabagal na development ngunit nananatili ang posibilidad na maging bagong bagyo.

Kung ganap na magiging tropical disturbance, tatawagin itong “Nika” na magiging ika-14 na sama ng panahon para sa taong 2020.

Samantala, naghahatid naman ng makulimlim na panahon at may pagbuhos ng ulan ang hanging habagat sa Southern Luzon at Visayas.