-- Advertisements --
Hindi inalintana ng magkasintahan ang matinding pagbaha sa lalawigan ng Bulacan at itinuloy ang kanilang pagpapakasal.
Nabatid na mataas ang pagbaha sa loob, labas at sa paligid ng parokya pero pinili ng mga kabahagi sa okasyon na ituloy pa rin ang pagsasagawa ng seremonya ng kasal.
Nakilala ang couple na sina Jade Rick Verdillo at Jamaica Aguilar.
Idinaos ang kasalan sa Parokya ng Nuestra Señora del Carmen sa makasaysayang Simbahan ng Barasoain.
Agad naman itong umani ng mga pagbati mula sa mga dumalo sa okasyon.
Pero may ilang nagbigay ng payo na magpatingin sa doktor ang mga lumusong sa baha na dumalo sa okasyon upang makaiwas sa posibleng sakit na makuha mula sa tubig.