Natagpuang patay ang siang 31-anyos na babae at dalawang anak nito sa San Rafael, Bulacan nitong madaling araw ng Huwebes, Agosto 20.
Sinabi ni Police Brigadier General Jess Mendez, Regional Director ng Police Regional Office 3, na Nakita ang bangkay ng mag-iina sa loob ng kanilang sasakyan sa Barangay Talacsan.
Nagtamo ang ina at mga anak nito na isang siyam na anyos at apat na taong gulang ng mga tama ng baril.
Na-recover ng mga kapulisan ang isang 9mm na handgun ganun din ang dalawang basyo at deformed slug.
Isinailalim sa masusing imbestigasyon ang nabawing baril.
Huling nakita ang mga biktima kasama ang isang lalaking kaibigan kung saan sila ay umalis sa bayan ng Angat at nagmaneho patungong lungsod ng Baliwag.
Dagdag pa ni Mendez na patuloy ang ginagawang imbestigasyon ukol sa nangyaring insidente.
















