-- Advertisements --
Kinumpirma ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang administrative relief sa NCR chief at 12 pang personnel ng Regional Highway Patrol Group-NCR matapos masangkot sa umano’y komprontasyon sa mga tauhan ng Bureau of Customs habang sinisira ang mga nakumpiskang smuggled na sigarilyo sa Bulacan.
Inilipat na sa Personnel Holding and Accounting Section ang mga nasabing pulis epektibo noong Agosto 20 habang gumugulong ang imbestigasyon sa insidente.
Sinabi ni HPG director Brig. Gen Rommel S. Batangan na ang hakbang ng paglilipat sa mga ito ay bahagi ng nagpapatuloy na imbestigasyon.
Hindi naman malinaw kung bakit ni-raid ng HPG-NCR ang nasabing lugar kaya’t ito ay mahigpit na iimbestigahan ni Batangan.
















