-- Advertisements --

Lumagpas na sa critical level ang antas ng tubig sa La Mesa Dam sa Quezon City.

Batay sa 11AM-status ng naturang dam, umabot na sa 79.60 meters ang antas ng tubig nito – sampung sentimetro na mas mataas kumpara sa 79.50 meters na critical level.

Kapag naabot na ng naturang dam ang 80.15 meters na water level, otomatiko na itong maglalabas ng tubig.

Sa kasalukuyan, patuloy ang mga pag-ulan sa La Mesa Watershed Reservation na nakaka-apekto sa tuloy-tuloy na pag-angat ng antas ng naturang dam.

Kung tuluyan nang umapaw ang tubig, inaasahang maaapektuhan nito ang mga mabababang komunidad sa kabuuan ng Tullahan River mula Quezon City (Fairview, Forest Hills Subd., Quirino Highway, Sta. Quiteria, San Bartolome), Valenzuela (North Expressway, La Huerta Subd.) at Malabon.

Ipinapayo sa mga residenteng naninirahan sa mga naturang lugar na bantayan ang posibleng pagtaas ng tubig at pagsasagawa ng maagang paglikas kung kinakailangan.