Nag-anunsyo ng suspensyon ng klase ang ilang lokal na pamahalaan para sa Miyerkules, Hulyo 23 habang patuloy ang pag-ulan dulot ng southwest monsoon o habagat.
Ayon sa state weather bureau, tatlong low-pressure areas (LPA) ang binabantayan sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Lahat ay may medium to high chance na maging bagyo.
Patuloy namang mino-monitor ng Department of Education (DepEd) ang mga update mula sa PAGASA at NDRRMC para sa mga desisyon sa suspensyon ng klase.
Narito ang mga Lundsod na kanselado ang klase bukas, Hulyo 23:
NATIONAL CAPITAL REGION
Malabon City – lahat ng antas, pampubliko at pribado
Marikina City – walang face-to-face na klase, lahat ng antas
Navotas City – walang face-to-face na klase, lahat ng antas
Parañaque City – lahat ng antas, pampubliko at pribado
REGION III (Gitnang Luzon)
Bulacan
Malolos City – lahat ng antas
Zambales
Masinloc – lahat ng antas
REGION IV-A (Calabarzon)
Cavite
Alfonso, Amadeo, Mendez Nuñez – walang face-to-face classes, lahat ng antas
Indang, Kawit – lahat ng antas, kabilang ang mga opisina ng gobyerno maliban sa essential services
Silang – lahat ng antas
Rizal
San Mateo – lahat ng antas
Patuloy lamang i-refresh ang page na ito para makita ang mga bagong anunsyo mula sa mga LGU.