Tutulong na ang Amerika sa Pilipinas para sa relief and rescue efforts nito kasunod ng patuloy na nararanasang sama ng panahon na nag resulta ng malawakang pagbaha sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Ito ang kinumpirma ni Defense Secretary Gilberto Teodoro matapos ang naging pulong nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay US Secrtery of Defense Pete Hegseth.
Libo-libong mga kababayan natin ang apektado ng mga pagbaha mula sa ibat ibang rehiyon sa bansa.
Sa isang video message sinabi ni Secretary Teodoro, pumayag na ang US government sa pamamagitan ng Indo Pacific Command sa pamumuno ni INDO PACOM Commander Admiral Samuel Paparo na tulungan ang Pilipinas.
Ang crisis action center ng Indo pacific command ang magdeploy ng mga tulong, kagamitan at mga air assets kaalinsabay nito ang Armed Forces of the Philippines sa panguguna ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner.
Activated na rin sa ngayon ang mga ECDA sites na siyang gagawing staging points para sa mga response efforts.
Combined efforts mula US Armed forces at AFP ang gagawing relief and rescue efforts na layong mailigtas ang buhay ng mga kababayan natin na nalagay sa peligro dahil sa pagbaha, mahatiran din ng pagkain ang mga nasa evacuation centers.
Inihayag din ni Sec. Teodoro na bukod sa US nagpahayag din na magbigay ng tulong ang iba pang mga bansa na kaalyado ng Pilipinas.