Inaasahan na mayroong 3.7 milyon na mga mag-aaral ang matatapos ng basic education ngayong school year.
Ayon sa Department of Education (DepEd) na ito na ang pinakamaraming batches na na magtatapos sa K-to-12 system.
Base sa datos na mayroong 1.9-M ay mga Grade 6 pupilshabang 1.8-M naman sa Grade 12 students mula sa public at private schools.
Sa nasabing bilang ay mayroong 1.8-M na Grade 6 at 11-M naman na mga Grade 12 ay mula sa mga public schools.
Magugunitang inaprubahan ng Economy and Development (ED) Council na pinangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang panukala ng DepEd na magkaroon ng three-term school calendar simula 2026-2027.
Kinontra naman ito ng grupong Alliance of Concern Teachers (ACT) dahil hindi umano ito solusyon sa lumalalang problema sa sektor ng edukasyon.
















