-- Advertisements --

Nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang 12 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P81.6 milyon sa Batangas Port sa Barangay Sta. Clara, Batangas City nitong Miyerkules, Oktubre 7, 2026.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, apat na lalaki, na may na edad 18, 29, 30, at 41, ang naaresto sa isinagawang joint operation. Kabilang sa mga suspek ang mga residente ng Malate, Manila, at Maluso, Basilan.

Nakuha rin ng mga awtoridad ang isang sasakyan, cellphone, mga identification card, at ATM card.

Na itinurn-over na sa PDEA ang apat na naaresto at ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang disposisyon at pagsasampa ng mga kaso.

Nahaharap ang mga suspek sa posibleng paglabag sa Section 5 (Transportation of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.