Inaayos na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagpapauwi ng 26 na mga Filipino na naiipit sa giyera sa Gitnang Silangan.
Ayon sa DMW, kinabibilangan ito ng 22 Overseas Filipino Workers (OFW), isang bata at tatlong turista.
Ang grupo ay nakatawid na sa Tab Border sa Egypt at nabigyan na ng tulong mula sa Philippine Embassy sa Cairo para maiproseso ang kanilang mga immigratin requirements.
Binigyan naman ng DMW-OWWA Rapid Response Team ng pansamantalang matutuluyan ang grupo habang inaayos ang kanilang flights pabalik sa bansa.
Magugunitang noong Huwebes, Marso 19 ay mayroong 317 na mga Filipinos ang dumating sa bansa.
Sa kasalukuyan ay mayroon ng 2,099 ng mga OFW at mga dependents nila ang nakauwi na sa bansa dahil sa krisis sa Gitnang Silangan.
















