Magsisimula sa araw ng Lunes, Marso 23 ang pagbibigay diskuwento ng toll operators sa mga pampasaherong sasakyan, buses at freight service.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) na tatagal ito ng hanggang dalawang buwan para maibsan ang pasanin ng operators sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Sakop nito ang Class 1 public utility vehicles (PUV’s) o jeeps, Class 2 public utility buses (PUBs) at Class 3 na mga sasakyan na may kinalaman sa freight at logistics services.
Una kasing ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga transport officials na maghanap ng paraan para matulungan sektor ng transportasyon dahil sa krisis sa Gitnang Silangan.
Matapos na sulatan ni Transportation Secretary Giovanni Lopez si Toll Regulatory Board Executive Director Jay Tugade ay pumayag umano ang mga concessionaries sa boluntaryong implementasyon ng diskuwento.
Base sa rates na makakatipid ng hanggang P18 ang end-to-end na biyahe sa Class 1 na mga sasakyan , habang ang Class 2 ay mayroong hanggang P47 na katipiran at P72 naman ang katipiran sa Class 3.















