Nabuo na bilang tropical depression Dante ang low pressure area (LPA) sa silangan ng Aurora, bandang 2:00 PM ngayong hapon.
Inaasahan ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas, lalo na kung mapalakas nito ang umiiral na habagat.
Binabantayan ng mga eksperto ang posibleng pagtaas ng tubig sa ilog, pagbaha sa mabababang lugar, at mga landslide sa mga bulubunduking komunidad.
Wala pang inilalabas na signal warning, ngunit inaasahang susunod ito sa mga darating na bulletin.
Pinapayuhan ang mga residente na maging mapagmatyag at huwag balewalain ang mga babala ng panahon.
Ang LPA 07g ay nananatiling may “High” chance na maging bagyo sa loob ng 24 oras.
Ang LPA 7h sa loob ng PAR, at LPA 07i sa labas ng bansa ay parehas na may “Medium” na tyansa rin.
Maaaring sabay-sabay na magdulot ng masungit na panahon ang mga sistemang ito sa ating bansa.