Mas pinaigting pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang pakikipag-ugnayan sa iba pang mga ahensya sa ibang bansa para matunton ang lokasykn ng puganteng businessman at umano’y mastermind sa missing sabungeros case na si Charlie “Atong” Ang.
Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., layon nito na mahadlangan pa ang mga kilos at mga susunod na hakbangin ni Ang matapos maiulat na wala siya sa Cambodia, taliwas sa mga nauna nang pahayag ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Samantala, nananatiling masigasig ang Pambansang Pulisya at ang iba pang nga katuwang na law enforcement agencies na magsagawa at ipagpatuloy ang manhunt operations laban kay Ang at maging sa mga kapwa niya pugante.
Nauna nang sinabi ni DILG Sec. Jonvic Remulla sa isang panayam na mas malaki pa rin ang posibilidad na nasa bansa pa si Ang at hindi pa nakakalabas ng Pilipinas.
Mas pinalakas naman ang pagpapatupad ng seguridad sa mga pantalan, paliparan maging sa backdoors ng bansa upang matiyak na hindj makakapuslit ang puganteng business tycoon patungong ibang bansa.















