-- Advertisements --

Kinumpirma ni Pagasa Administrator Nathaniel Servando na umaabot sa pang kalahating buwan na ulan ang naibuhos ng habagat sa Metro Manila sa loob ng isang araw, kaya nagkaroon ng mga pagbaha.

Pangunahing naapektuhan nito ang low lying areas sa rehiyon na binaha ng hanggang dibdib ang pinakamalalim, habang sa ibang parte ng NCR ay gutter at knee deep lamang.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Servando na lumubha ang pagbaha dahil pinaigting ng nagdaang bagyo ang monsoon winds na naghahatid ng mga pag-ulan.

Idinagdag pa ng opisyal na dapat manatiling alerto ang mga mamamayan dahil mayroon pang dalawang low pressure area na may malaking tyansang lumakas ang nananatili sa Philippine area of responsibility (PAR).

Bagama’t posibleng ma-absorb ng unang LPA ang kasunod nito, pero kung magkaganun ay lalakas naman muli ang hatak nito sa habagat.

Kung sakaling magiging ganap na bagyo ay tatawagin itong tropical depression Dante.