-- Advertisements --
Iginiit ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na hindi sila natatakot sa anumang bansa.
Sinabi nito na marami silang mga kaalyadong bansa na handang tumulong.
Reaksyon ito sa naging anunsiyo ni Russian President Vladimir Putin na tila inaampon na nila ang dalawang breakaway region ng Ukraine ang Donetsk at Luhansk.
Matapos kasi ang anunsiyo ay naglagay ang Russia ng mga sundalo sa dalawang rehiyon kung saan tinawag nila ito bilang mga peace keepers.
Maraming bansa ang nagsabi na ang pagkilala ng Russia bilang independent part nila ay isang paran na paghahanda nila para atakihin ang Ukraine.