-- Advertisements --

Walang plano ang Ukraine na isara ang kanilang airspace kahit na may nagaganap na tensiyon sa pagitan nila ng Russia.

Ayon kay Mykhailo Podolyak, ang adviser ng chief of staff ng pangulo ng Ukraine, na hindi pa mahalaga ngayon ang nasabing hakbang.

Ipapaubaya rin ng gobyerno ng Ukraine sa mga airline companies kung pipiliin nilang mag-divert ng kanilang flights.

Magugunitang pinayuhan ng US ang kanilang mamamayan na lisanin na ang Ukraine dahil sa banta umano ng Russia na paglusob.

Mariing itinanggi ng Russia na sila ay lulusob sa Ukraine matapos na maglagay sila ng mahigit 100,000 na sundalo sa border nila ng Ukraine.