-- Advertisements --
Inatasan na ni Makati City Mayor Nancy Binay ang Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang pamamaril sa isang barangay Kagawad.
Binaril ng hindi pa kilalang suspek si Kagawad at Atty. John Yland De Ocampo ng Barangay Sta. Cruz nitong umaga ng Huwebes, Hulyo 23.
Itinakbo na sa pagamutan ang biktima at patuloy itong nagpapagaling dahil sa tinamo nitong tama ng bala sa katawaan.
Nanawagan din ang alkalde sa publiko na tulungan ang mga otoridad para agad na matukoy ang mga nasa likod ng nasabing pamamaril.
Dahil dito ay inihayag ng alkalde na mas pinaigting ng PNP ang kanilang presensya sa nasabing barangay.
















