Patay ang dalawang Pinoy seafarers matapos ang drone attack sa Black Sea.
Kinumpirma ito ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Cacdac ang pag-atake sa karagatang bahagi ng Ukraine.
Sa nasabing insidente ay mayroon pang 12 iba pang ibang mga nawawala.
Dagdag pa ni Cacdac, na ang patuloy ang ginagawa nilang recovery at inaayos na ang pagpapauwi sa mga nasawing biktima.
Ang unang nasawi ay nangyari noong pag-atake noong Hulyo 6 kung saan nakipagtulungan na ang pamilya ng biktima sa DMW.
Habang ang pangalawang biktima ay nasawi noong Hulyo 19 kung saan patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DMW sa pamilya ng biktima.
Sinabi pa ni Cacdac na ang mayroong siyam na barko na may lulanng 139 seafarers ang nadamyos matapos na sila ay inatake habang nasa bahagi ng Black Sea.
Patuloy ang monitoring ng DMW sa insidente kung saan nangyari ang drone attack sa ikalimang taon na ng labanan sa pagitan ng Ukraine at Russia.
















