Pasok na sa semifinals ng WTA 500 Berlin Tennis Open si Alex Eala matapos talunin ang world No. 8 na si Elina Svitolina ng Ukraine, 6-3, 6-4.
Ito na ang ikatlong pagkakataon ngayong taon na nakapasok siya sa semifinals ng isang WTA tournament, at ikaanim na panalo niya laban sa isang top-10 player sa kanyang career.
Sa laban, mabilis siyang nakalayo sa unang set at tinapos ito sa 6-3, bago tuluyang isinara ang ikalawang set sa 6-4 sa loob ng isang oras at 23 minuto.
Makakaharap ni Eala sa semifinals ang world No. 13 na si Linda Nosková ng Czech Republic, na tinalo si Paula Badosa.
Bukod sa Berlin Open, kamakailan ay nagwagi rin siya ng titulo sa Birmingham WTA 125, dahilan upang umangat sa world ranking bilang No. 35.
Sa kasalukuyan, hawak ni Eala ang 9-1 record sa grass courts ngayong season, na nagbibigay ng kumpiyansa bago ang Wimbledon sa Hunyo 29.
















