-- Advertisements --

Babalik muli sa bansa ang Filipino-British singer-songwriter na si Beatrice Laus o mas kilala sa kaniyang stage name na “beabadoobee” para sa Manila leg ng kaniyang ‘The Powerlines Tour’ sa darating na Abril 13, 2027.

Nakatakdang mag-perform ang mang-aawit sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City, ayon sa anunsyo ng local event organizer ng nasabing concert. Magsisimula ang presale ng kaniyang concert tickets sa Oktubre 12 at ang general sale sa Oktubre 15.

Ang kaniyang tour ay kasunod ng debut ng kaniyang ika-apat na album na “Pylon” na nai-release nitong nakaraang buwan ng Setyembre.

Tubong Ilongga, ang nalalapit niyang concert sa 2027 ay magiging kaniyang ikatlong pagkakataon na makapag-perform para sa Filipino fans kung saan huli itong dumalaw sa bansa nitong 2022 at 2025.