Magpapatupad ng nationwide gun ban sa araw ng Lunes, Hulyo 27 ang National Capital Region Police Office (NCRPO) kasabay ng ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa NCRPO, na kanilang pinaigting ang security preparation ganun din ang intelligence monitoring.
Bantay sarado din ang mga ruta, kalsada at magpapakalat sila ng mga Quick Reaction Teams, Explosive Ordnance Disposal units, SWAT at medical response teams.
Kasabay din nito ang pagpapatupad ng No Fly Zone at No Drone Zone sa mga lugar at pagsuspendi ng Permits to Carry Firearms Outside Residence o PTCFOR.
Una ng sinabi ng NCRPO na magpapakalat sila ng nasa 21,261 na mga kapulisan at magsisimula ng ipatupad ang full alert status ng dakong alas-5 ng hapon ng Hulyo 24.
















