-- Advertisements --
Aabot sa walong katao na ang nasawi sa drone strike ng Ukraine sa western Russia.
Maraming katao rin ang nasugatan sa nasabing insidente.
Sinabi ni Tambov Governor Evgenly Pervyshov na tinamaan ng drone ang warehouse sa Kotovsk.
Mayroon namang 28 drones ng Ukriane ang naharang ng Russia.
Patuloy naman na nagpapagaling ang nasa 25 katao matapos magtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang mga katawan.
















