-- Advertisements --
Tinamaan ng missile ng Ukraine ang pangunahing oil terminal ng Russia sa St. Petersburg City.
Kinumpirma ni Ukraine President Volodymyr Zelensky ang nasabing pag-atake.
Isinalarawan pa ng Ukraine president na ito ang pangunahin infrastructure na nagbibigay ng malaking kita para sa giyera ng Russia.
Bukod pa dito ay tinamaan rin ng Ukraine ang naval base ng Russia.
Sinabi ni St. Petersburg Governor Aleksandr Beglov na ang kaniyang lungsod ay nasa “massive drone attack”.
Magugunitang pinaigting ng Ukraine ang kanilang pag-atake laban sa mga pangunahing imprastraktura ng Russia.
















