-- Advertisements --

Nagsagawa ng palitan ng mga prisoners of war ang Ukraine at Russia.

Ayon sa Ukraine na mayroong 230 na mga prisoners kabilang ang mga sundalo nila at border guard ang pinalaya ng Russia.

Kapalit nito ay kanilang pinalaya ang 248 na Russians na kanilang naaresto.

Ang prisoners swap na pinamunuan ng United Arab Emirates ay itinuturing na pinakamalaking prisoners swap mula ng maganap ang paglusob ng Russia sa Ukraine noong Pebrero 2022.

Nagpasalamat si Ukrainian President Volodymyr Zelensky matapos na ligtas na nakauwi ang mahigit na 200 Ukrainians habang ayon sa Russian Ministry of Defense na naging mahirap ang nangyaring prisoners swap.

Sa mga naganap na 48 na prisoners swap ay nakapagpalaya na ang Ukraine ng nasa 2,598 na mga Russians.