Nagbitiw sa kaniyang puwesto bilang chancellor ng Westminster si Sajid Javid.

Isinagawa nito ang pagbibitiw sa kalagitnaan ng isinasagawang balasahan sa gabinete ni British Prime Minister Boris Johnson.

Papalitan siya ngayon ni Chief Secretary to the Treasury Rishi Sunak na pitong buwan pa lamang ngayon bilang junior housing minister.

Sa kaniyang resignation sinabi nito na hindi na niya makayanan ang ipinapatupad na pagbabago ni Johnson.

Itinalaga ni Johnson si Javid noong nakaraang Hulyo.