Andreescu Bianca
Bianca Andreescu/ IG post

Umatras na sa paglalaro sa ABS Classic sa New Zealand si U.S. Open Champion Bianca Andreescu.

Ito ay matapos na magtamo siya ng injury sa kaliwang tuhod.

Natamo nito ang injury sa kaniyang laban noong WTA Finals sa buwan ng Oktubre na ginanap sa Shenzhen, China.

Dahil dito ay napilitan itong umatras sa ikalawang round laban kay Karolina Pliskova.

Sinabi ng 19-anyos na Canadian tennis star na umaasa itong makabalik agad kapag bumuti na ang kaniyang injury.

Bumandera ang pangalan ni Andreescu ng talunin si dating world number 1 Caroline Wozniaki at Venus Williams.