Reading Time: 1 minute
Kim Basinger
Kim Basinger

Pinangunahan ni US actress Kim Basinger ang protesta sa pagtatapos ng dog meat industry sa South Korea.

Naging tradisyon na kasi sa South Korea ang pagkain ng karne ng aso.

Isinabay ang nasabing kilos protesta sa tinawag na “dog meat day” sa bansa.

Mula pa noong nakaraang taon ay binabatikos na ang South Korea dahil sa pagkain ng mga karne ng aso.

Nagpasa naman ang panukalang batas ang ilang mambabatas sa South Korea para matigil na ang pagkatay at pagkain ng mga karne ng aso.

Naging aktibo na ang actress sa kampanya ng animal rights at ito rin ang unang pagkakataon na nakibahagi sa South Korea.