-- Advertisements --

Nagtalaga ang Philippine Fleet (pf) ng mga bagong commanding officer sa dalawang barko ng Philippine Navy na BRP Ramon Alcaraz (ps16) at BRP Andres Bonifacio (ps17).

Isinagawa ang change of command ceremony sa naval operating base-Subic sa probinsya ng Zambales.

Magsisilbing bagong commander ng Ramon Alcaraz si Capt. Philip Plaza na papalit kay Commander Johanns Cruzada, habang magiging commanding officer ng Andres Bonifacio si Commander Kim Jon Ccoba na papalit kay Capt. Renante Del Prado.

Kinilala naman ng Philippine Navy ang matagumpay na pamamahala nina Cdr. Del Prado at Cdr. Cruzada sa dalawang barko, kalakip ng paggawad ng command-at-sea plaque sa dalawang navy official.

Ang dalawang barko ay kapwa Del pilar-class patrol vessel at ginagamit sa pagpapatrolya sa mga karagatan ng bansa, lalo na sa West Philippine Sea.

Kapwa nagagamit din ang dalawa sa mga search and resue operation sa bansa at idinedeploy para tumugon sa mga distress call at umasiste sa mga barkong nagkaka-aberya habang nasa karagatan.