Pinag-aaralan ngayon ng Department of Human Settlements and Urban Development ang posibleng pagpapatupad ng incremental housing approach sa ilang community mortgage sites sa buong bansa.
Nilalayon ng hakbang na ito na gawing mas abot-kaya at akma ang pabahay sa mga pinakamahihirap na pamilya.
Maaalalang nakipagpulong si DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling sa ilang mahahalagang miyembro ng Advocates of Housing for All (AHA).
Sa nasabing pulong, detalyadong tinalakay ang iba’t ibang estratehiya at pamamaraan upang higit pang mapaigting at mapabilis ang nationwide rollout ng Expanded 4PH Program, na isang pangunahing programa ng pamahalaan sa pabahay.
Ayon kay Sec. Aliling, “Ang incremental housing scheme ay diretsong tatapat at naka-base sa kapasidad at kasalukuyang pangangailangan ng ating mga beneficiaries.
Ibig sabihin, sasabay sa pag-unlad ng ating mga beneficiaries ang uri at kalidad ng kanilang tirahan.
Sa kasalukuyan, ayon sa impormasyon mula sa DHSUD, ang ahensya, kasama ang Social Housing Finance Corporation (SHFC), ay aktibong tinatalakay at pinag-aaralan kung paano epektibong maisasama ang incremental housing approach sa loob ng Enhanced Community Mortgage Program (ECMP).













