Nanawagan si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ng pagkakaisa sa mga mambabatas at kawani ng Kamara upang maibalik ang tiwala ng publiko at maisulong ang matagal nang hinihintay na mga reporma para sa mga Pilipino.
Gibnawa ni speaker ang panawagan sa flag-raising ceremony sa Batasan Complex ngayong Lunes, 1 Disyembre 2025.
Sa kaniyang talumpati, aminado si Dy na nananatili ang mga hamon sa Mababang Kapulungan, ngunit iginiit niyang malalampasan ang mga ito kung magkakaisa ang buong institusyon.
Hinikayat niya ang lahat na isantabi ang pansariling interes at ituon ang paglilingkod sa mamamayan, lalo na sa gitna ng ingay sa pulitika at maling impormasyon.
Binanggit din ng Speaker na ang pagkakaisa ang susi sa pagpapatupad ng mga makabuluhang reporma, at nanawagan siyang manatiling matatag at maging “liwanag” sa paglapit ng Kapaskuhan.
Pinuri rin niya ang mga kawani bilang “haligi at lakas” ng Kamara, at tiniyak ang pagpapatuloy ng mga repormang magbibigay sa kanila ng dignidad at mataas na antas ng serbisyo.
Sa pagtatapos, hinikayat ni Dy ang Kapulungan na salubungin ang 2026 nang may pag-asa, sigla, at panibagong dedikasyon sa kanilang tungkulin.










