-- Advertisements --

Naghain ng warrant of arrest ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa tatlong board of directors ng Sunwest Inc. sa isang hotel sa Pasay City kung saan hinihinalang itinatago ang tatlo.

Ayon kay CIDG National Capital Region Chief PCol. John Guiagui, wala na silang naabutan sa kanilang naging attempt ngayong araw.

Batay sa naging inisyal na report, hindi umano’y nagpapanggap ang tatlo bilang mga empleyado kung saan napag-alaman din na subsidiary owner ng naturang hotel ang Sunwest.

Kasama sa operasyon ang higit sa 100 mga tauhan kabilang na dito ang mga tauhan mula sa National Bureau of Investigation (NBI) para halughugin ang 10-storey building.

Tiniyak naman ni Guiagui na patuloy pa rin ang pagkakasa nila ng mga manhunt operations effort sa kabila ng kabiguan na maisilbi ang warrant of arrest sa tatlong personalidad na ito.

Samantala, nanindigan naman ang hepe na hindi overkill ang naging operasyon ngayong umaga dahil sa ilang palapag na kanilang hahalughugin.

Pinangalanan naman ang tatlong board of directors bilang sina Consuela Aldon, Anthony Lingo at Noel Yap Kau.