bill clinton monica
Ex-US President Bill Clinton and Monica Lewinsky (White House photo)

Muling pinagpiyestahan ang nakaraan ng kontrobersiyal na si Monica Lewinsky, ang dating White House intern na nakarelasyon ni dating US President Bill Clinton.

Bigla na lamang kasi nagkomentaryo sa social media si Lewinsky kasunod nang pag-anunsyo ng kampo ni US President Donald Trump sa paghirang niya sa mga miyembro ng kanyang powerhouse legal team at kabilang dito ang dating independent counsel na si Ken Starr.

Monica L
Monica Lewinsky White House ID

Si Starr ang nanguna noon sa prosecution laban kay Clinton kung saan na-impeach ang Presidente ng US Congress noong taong 1998 pero inabswelto naman ng kanyang mga kaalyado sa US Senate noong February 1999.

Sa naging bahagi ng pahayag ngayon ni Monica, 46, hindi naman niya tinukoy kung sino ang kanyang pinaparinggan pero nandoon ang tila malaswang statement at kung binibiro ba raw siya.

“This is definitely an “are you fucking kidding me?” kinda day.”

Monica