Turkey President Recep Tayyip Erdogan
Turkey President Recep Tayyip Erdogan/ IG post

Nakatakdang makipagpulong si Turkish President Recep Tayyip Erdogan kay US Vice President Mike Pence at Secretary of State Mike Pompeo.

Ayon sa Turkish President isa sa kanilang tatalakayin ay ang kalagayang nagaganap sa Syria.

Ang nasabing pagpupulong ay kasunod nang pahayag ni US President Donald Trump na ayaw niyang may madamay na US soldier sa ginagawang atake ng Turkey sa border sa Syria.

Umaasa naman si Pompeo na magiging mabunga at matagumpay ang kanilang gagawing pagpupulong kay Erdogan.