-- Advertisements --

Kinumpirma ni Philippine Navy Spokesperson Capt. John Percie Alcos na mayroon na silang nakahandang tatlong team ng mga technical divers para sa planong pagsisid ng Department of Justice (DOJ) sa Taal Lake lalo na ngayon na natukoy na ng tanggapan ang ‘ground zero’ kung saan umano inilibing ang mga nawawalang sabungero.

Sa naging pagtatanong ng Bombo Radyo Philippines kabila nito ay wala pa rin aniyang pormal na request ang DOJ para humingi ng assistance sa Hukbong Dagat ng Pilipinas para sa kanilang mga technical divers.

Ani Alcos, ang kanilang naval special command ng kanilang hukbo ay nakahandang madeploy alinsunod sa magiging request ng DOJ.

Samantala, batay naman sa expertise ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ngayong mayroong posibilidad ng eruption sa Taal Volcano, mayroon pang ibang mga paraan kung paano marerekober o mahahanap ang mga labi ng mga sabungero o kahit ano pang target sa ilalim ng katubigan.

Ani Trinidad, bago pa magpadala ng mga technical divers ay maaari munang magbaba ng mga underwater drones sa Taal Lake upang maberipika at macheck na rin kung gaano kaligtas nga bang sisirin ang natuwang lawa.

Matapos aniya na maidentify kung saan saang bahagi ng Taal Lake mahahanap ang mga labi ay maaaring bumuo muna sila ng mga connecting points at tsaka hahanguhin ng hindi na naangangailangang magpadala pa ng mga technical divers na siya aniya sanang huling bala ng mg aotoridad.

Kasunod nito ay bagamat nakadepende sa magiging request kung ilang teams ang dapat na ipadala para sa search and retrieval operations sa mga bangkay ng mga sabungero ay karaniwang tatlong teams na mayroong tatlo hanggang apat na miyembro ng mga technical divers ang kanilang ipinapadala kung saan karaniwan itong binubuo ng dalawang technical divers, isang standy diver at isang diver supervisor.

Samantala, tiniyak naman ng Philippine Navy na kapag nakatanggap na ng pormal na request mulasa DOJ ay agad silang magpapadala ng kanilang mga tauhan para ikasa ang search and retrieval operations.