-- Advertisements --
Turkish President Erdogan
Turkish President Erdogan/ IG post

Ititigil na ng Turkey ang kanilang opensiba sa northern Syria.

Ito mismo ang kinumpirma ni US Vice President Mike Pence matapos ang naging pagpupulong nila ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan.

Ang nasabing hakbang ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga Kurdish-led forces na umatras.

Ayon sa US Vice President, na lahat ng military operations ay ititigil ng limang araw.

Tutulong aniya ang US para sa mapayapang pag-atras ng mga Kurdish-led troops sa tinawag ng Turkey na “safe zone” border.

Magugunitang naglunsad ng opensiba ang Turkey matapos ang pahayag ni Trump na kaniyang tatanggalin ang US troops sa border nila ng Syria.