-- Advertisements --

Iginiit ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na dapat ding isama sa imbestigasyon hinggil sa maanomalyang flood control projects kung may nangyaring iregularidad sa pagpapatupad ng mga proyekto noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos aminin ni Sarah Discaya sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee na nagsimula siyang makakuha ng mga proyekto mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) noong 2016, kasabay ng pag-upo ng administrasyon Duterte .

Binigyang-diin ni Dela Rosa, na kilalang kaalyado ng dating pangulo, na pera ng taumbayan ang nakataya, kaya’t nararapat na isama sa imbestigasyon ang posibleng katiwalian kahit sa panahon ng Duterte administration.

“So what kung 2016 kung gumawa sila ng kalokohan nung panahon na iyon dapat imbestigahan. ‘di porket during the time of PRRD i-exempt natin sa investigation? ‘di pe-pwede ‘yon. Kung gumawa sila ng kalokohan kahit pa noong panahon pa ni PNoy. Kung may ginawa silang kalokohan dapat imbestigahan lahat yan,” giit ni dela Rosa.