-- Advertisements --

Pinag-aaralan ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada ang posibilidad na ipa-cite in contempt ang contractor na si Sarah Discaya sa susunod na pagdinig ng Senado.

Ayon kay Estrada, hindi kapani-paniwala at salungat sa isa’t isa ang mga naging pahayag ni Discaya.

Una raw nitong sinabi na sa Alpha and Omega lamang siya konektado at nakapag-divest na sa iba niyang negosyo, ngunit kalaunan ay umamin din na bahagi pa rin siya ng walong iba pang construction companies na pagmamay-ari ng kanilang pamilya.

Ibinunyag din ni Estrada na may hawak siyang impormasyon na nag-aalok umano si Discaya ng 40 porsyentong advance kickback sa ilang opisyal ng DPWH—na kabaligtaran ng kanyang naging pahayag sa ikalawang pagdinig.