-- Advertisements --
Gumagawa na ang bagong central system ang Bankers Association of the Philippines (BAP) para mabilis na mapigilan ang mga suspicious transaction.
Bahagi ito ng mga bankers group na pag-comply nila sa Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA).
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Deputy Governor Elmore Capule, na mayrong isang taon ang mga bangko na isagawa ang “coordinated verification protocol” na agad na mahaharang ang pondo kapag iniulat ng klyinte ang isang scam.
Dagdag pa nito na kapag ang biktima ay nagsumbong ay lahat ng sistem ay maalerto kung saan gagamit sila ng malaking data at artificial intelligence para ito ay maisagawa ng mabilis at real-time.