Thailand waterfalls
Thailand rescue

Patay ang isang French tourist matapos na ito ay mahulog sa waterfalls sa Thailand dahil sa pagse-selfie.

Nadulas ang 33-anyos lalaki habang kinukuhanan ang sarili sa Na Maueang 2 waterfalls.

Ang nasabing waterfalls sa Koh Samui ay siyang lugar din kung saan isang Spanish tourist din ang nahulog noong Hulyo.

Nilinaw naman ng mga otoridad na may mga nakalagay na babala sa lugar subalit marami pa rin aniya ang matitigas ang ulo.