Personal na nagsagawa ng inspeksyon si Senator Raffy Tulfo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) communications and command center na siyang nagmomonitor ng pangunahing trapiko sa Metro Manila.
Bilang chairman ng Senate committee on public services, ay nais tiiyakin ng Senador na gumagana ang mga CCTV cameras ganun din ang mga body-worn cameras ng mga on-duty traffic enforcers.
Ipinakita naman nina MMDA Chairman Romando Artes at Swift Traffic Action Group head Edison Nebrija kung paano gumagana ang body worn camera ng mga traffic enforcers.
Nakita rin ng Senador na marapat na mabigyan ng hazard pay ang mga MMDA enforcers at street sweepers na na-exposed sa polusyon ng kapaligiran.
Napag-alaman din nito na marami sa mga enforcers at street sweepers ay mga job order at casual employee kahit na sila ay nagtatrabaho na ng ilang taon sa MMDA.
Dahil dito ay isusulong ng senador ang pag-amyenda ng Hazard Pay Law na isama ang mga MMDA traffic enforcers at street sweepers.
















