container cargoes MICT port of manila DOTr
Overstaying cargoes at the Manila International Container Terminal (MICT) (DOTr photo)

Todo apela na rin si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa lahat ng mga cargo owners at consignees na alisin na sa lalong madaling panahon ang mga overstaying cargoes at matulungang mapaluwag ang Manila International Container Terminal (MICT).

Ginawa ni Tugade ang apela kasunod na rin nang panawagan ni Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Daniel Santiago.

Nangangamba kasi ang PPA na magkaroon ng shutdown sa Port of Manila dahil sa nananatiling bingi raw ang mga cargo owners at consignees.

Ayon kay Tugade ang pantalan ng Maynila ay labis na mahalaga sa commerce at trade ng bansa.

Kaya naman mahalaga na mawala ang port congestion mula sa natengga na sangkaterbang mga cargoes.

“I am appealing to cargo owners and consignees to remove their overstaying cargoes inside the MICT. A healthy port means no congestion, no delays in the delivery of cargo, and stable prices of goods. A healthy port ensures a continuous flow of maritime commerce and an efficient utilization of the container yard,” ani Sec. Tugade. “A healthy port is what is most needed now as we find ways to efficiently deliver needed goods and services to our fellow Filipinos who are trying to break free from the clutches of the coronavirus pandemic.”

DOTR CARGOES
Overstaying cargoes at the Manila International Container Terminal (MICT) (DOTr photo)