-- Advertisements --

Tinanggal na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang tsunami warning matapos ang magnitude 6.8 na lindol na tumama sa Manay, Davao Oriental nitong ala-7:12 ng gabi ng Biyernes, Oktubre 10.

Isinagawa ang anunsiyo ng Phivolcs dakong alas-11:12 ng gabi nitong Oktubre 10 matapos na walang anumang abnormal na paggalaw sa sea level monitoring stations nila sa Bislig City at Tandag City sa Surigao del Sur.

Una ng inirekomenda ng ahensiya ang agarang pagpapalikas ng mga residente sa lahat ng mga naninirahan malapit sa karagatan lalo na sa mga lugar ng Surigao del Sur, Davao Oriental at Surigao del Norte.

Magugunitang nitong umaga rin ng Biyernes ng tumama ang magnitude 7.4 na lindol sa karagatan ng Manay na nagdulot ng tsunami waves ng hanggang 30 centimeters ang taas sa Tandag City, subalit hindi ikinokonsidera ng PHIVOLCS na ang mga ito mapaminsala.