Ginagamit lang umano ng Democrats ang coronavirus pandemic upang linalangin ang mamamayan ng Estados Unidos para suportahan ang kanilang pambato na si Joe Biden sa nalalapit na eleksyon.
Ito ang naging babala ni United States President Donald Trump para sa kaniyang mga kapartido dahil sa posibilidad na nakawin daw ng Democrats ang mga boto para sa Republicans.
Sa unang araw ng 2020 Republican National Convention na isinagawa sa North Carolina, paulit-ulit na binitawan ni Trump ang kaniyang maaanghang na patutsada hinggil sa isinusulong na mail-in voting ng kabilang partido.
Kung sakali aniya na manalo si Biden sa Nobyembre ay ibig sabihin lamang nito na may pang-mamanipula na naganap sa bilangan.
VC US PRESIDENT DONALD TRUMP
Ngayong araw ay opisyal ng pinakilala ng Republicans si Trump bilang kanilang presidential nominee. Sunod-sunod na sigaw naman mula sa mga taga-suporta ni Trump ang umalingawngaw sa loob ng convention center.
Nakatakdang magbigay ng kaniyang formal acceptance speech si Trump sa party jamboree na gaganapin sa Huwebes, araw sa Amerika.