-- Advertisements --

Nilinaw ng pamunuan ng Department of Transportation na para sa lahat ang fuel subsidy na kanilang ipapamahagi at hindi lang para sa mga consolidated Public Utility Vehicle.

Layon ng subsidiyang ito na mabawasan ang pasanin na kinakaharap ng mga PUV drivers at operators dulot ng mataas na presyo ng petrolyo sa bansa.

Ayon sa ahensya, hindi kailangang consolidated na ang mga driver o operator para mabigyan ng fuel subsidy ng pamahalaan.

Punto pa nito na kailangang maging inklusibo ang programang ito ng gobyerno dahil lahat ng sektor ay ramdam ang epekto ng mataas na presyo ng petrolyo dulot ng tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.

Una nang sinabi ng ahensya na target ng gobyerno ang agarang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga operators at drivers of public utility vehicles sa bansa.

Ipapalabas ang naturang subisidya sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Paliwanag ng DOTr na sa ngayon ay pina finalized na ang mga guidelines ng ipatutupad na programa.